Hashtag : Happy Tummy :) (Busog na me.. hehe..burrrp.. )Pwede nakong mag blog.
I wanna make this confession. Hindi ko alam kung masyado
lang ba akong nagde-deny sa sarili ko o ano.Well ganito kasi yon, this coming
October, I will be turning 23. Hindi pa naman ako ganun katanda pero alam ko
ding hindi nako ganon kabata! Like what I had said in my older posts, I am
praying for this someone. As in my specific person talaga akong hinihiling kay
Lord everytime I pray, hindi ko talaga nakakaligtaan banggitin iyon pero minsan
nare-realize ko na, parang G na G naman akong magka-lovelife. *sigh..
Alam mo ba yung feeling na, nabibili mo lahat ng gusto mo,
nakakapunta ka sa kung saan mo gustong pumunta, magandang trabaho (kahit
nakakastress), tapos sobrang blessed mo sa mga taong nakapaligid sayo. Alam mo
ba yon? Kasi ako oo, kasi ako yon eh. Kaya lang parang may kulang parin. L
Minsan naiisip ko, sana pala hindi nalang ako nag-move on,
edi sana hindi ako atat na atat mag boyfriend ngayon! Hahaha! Chos! Pero
syempre thankful naman ako na naka-move on na ako sa past major heartbreak ko. At gaya parin ng
sinabi ko date, gaano ko man kagusto na alam nyo na, I still want to wait for
the right time. Kung hindi pa iyon ngayon then, its fine. Though I really want
it asap, I will still choose to wait for God’s perfect time.
Me be like: Right
time, Right Love, and the Right one.
PS: myLoves,. magtweet ka naman ng madalas! hahaha
#FatedNicNiks
Thought-Ful,
Niki :)